BAKIT? cover art

Lyrics

[Verse 1]
Dapit hapon
Kanang
Nakatingin sa hangin
Isa lang
Ang masasabi sa’yo

[Pre-Chorus]
Binibini
Sa aki’y lumapit
Hintayin ang panalangin sa’yo…oh
Mga kamay ko’y sa’yo lang aabot
Kung papayag kang mahulog din dito

[Chorus]
Ohhhh…
Kay ganda ng mga mata mohhh
Parang kaya nilang tumigil ang oras ko
Sana’y lumigaya ang tawag
Ng tadhanang nakatali sa’yo
Ako ang sagot kung ikaw ang tanong
Kung pahihintulutan mo

[Verse 2]
Sabik sa “bakit”
Tanong na lang sa langit
Sa’yo’y nag-iisip
Bakit
Ako pa ring naiisip mo sa gabi

[Pre-Chorus]
Binibini
Sa aki’y magpahinga
Ipagdarasal kita sa bawat paghinga…oh
Kung may sakit pa sa iyong nakaraan
Dito ka muna
Ako ang sasalo niyan

[Chorus]
Ohhhh…
Kay ganda ng mga mata mohhh
Parang kaya nilang palambutin ang loob ko
Sana’y lumigaya ang tawag
Ng tadhanang nakatali sa’yo
Ako ang sagot kung ikaw ang tanong
Kung pahihintulutan mo

[Bridge]
Bakit ganito
Isang tingin mo
Guguho na ako
Bakit sa dami ng puso
Sa akin ka nagdala ng kwento
Kung sasabihin mong handa ka na
Lalapit ako
‘di na lalayo pa (oh yeah)

[Chorus]
Ohhhh…
Kay ganda ng mga mata mohhh
Doon ko nababasa ang bawat “wag kang sumuko”
Sana’y lumigaya ang tawag
Ng tadhanang nakatali sa’yo
Ako ang sagot kung ikaw ang tanong
Hangga’t may hapon
Ako ang “oo”

[Outro]
Dapit-hapon
Hawak kamay
Kung saan man dalhin
Sabay
Kung tadhana’y nakatali sa’yo
Hayaan mong itali rin ako