Marso Bente Singko cover art

Marso Bente Singko

E
Eiyah DelaCruz

Created Mar 18, 2026

Lyrics

Mahal Kita simula pa noong Una
Marso bente singko tinanggap ko ang pag ibig mo
May naramdman ako sayo na hindi ko maramdman sa iba

Unang pagkikita
Hindi maipaliwanag ang kaba
Yakap mo ako at Yakap kita
Hanggang tayo ay maging isa
Sa mga haplos at yakap mo pinaramdam mong hindi ako nag iisa

Naalala mo ba
Iniabot sa aking Kape kaht may Langgam hindi alintana ang mahalaga kasama kita
Malamig sa inyong Balkonahe pero hindi sapat
Dahil sa init ng iyong mga yakap na ipinapadama

Malayo ang bikol pero heto ka
Pinuntahan ako upang muling makita
Sabik sayong yakap at pagmamahal
Paulit ulit kong ipinadama
Sa mga haplos
Sa mga halik
Sa mga yakap
At sa paulet ulet kong bulong sayong tenga
Pa, Mahal na mahal kita

Subalit katulad ng iba ang relasyon ay hindi palaging masaya
Marso bente singko isang taon na tayo
Pero mas madalas daw ang away sabi ng iba

Maraming beses tayong nag away
Pero sana huwag mo naman akong hayaang mag isa
Huwag mong hayaan na ang mahabang katahimikan ang mag layo sa ating dalawa
Huwag mong hayaan na masanay tayo pareho na wala na ang isat isa

Kahit sabi mo minsan balewala na sayo ang masasayang alaala
Masakit, kase para sakin iniingatan ko un at iyon ay mahalaga

Sinubukan kong lumayo upang maramdman ko kung ako ba ay hahanapin mo o hahayaan mo na lang ba
Hindi ako nag kamali sapagkat hinayaan mong matalo tayo ng katahimikan na patuloy na naghihiwalay sa ating dalawa
Mahal kita paulit ulit mong sinasabi yan kapag ikaw ay masaya
Pero kapag galit ka hindi mo na ako kilala
Nasaan doon ang sinabi mo sa akin noong una na Kakampi kita, bakit ngayun tingin mo sa akin ay kaaway na

Tuluyang lalayo sayo hindi dahil hindi ka na mahal
Nais ko lang makita ang tunay kong halaga

Marso bente singko
Isang taon,
Mahal kita simula pa noong una