Marso Bente Singko cover art

Marso Bente Singko

E
Eiyah DelaCruz

Создано мар 23, 2026

Тексты

Mahal Kita simula pa noong Una
Marso bente singko tinanggap ko ang pag ibig mo
May naramdman ako sayo na hindi ko Naramdman sa iba

Unang pagkikita
Hindi maipaliwanag ang kaba
Yakap mo ako at Yakap kita
Hanggang tayo ay maging isa
Sa mga haplos at yakap mo pinaramdam mong hindi ako nag iisa

Naalala mo ba
Iniabot sa aking Kape kahit may Langgam hindi alintana ang mahalaga kasama kita,
Malamig sa inyong Balkonahe pero hindi sapat
Dahil sa init ng iyong mga yakap na ipinapadama

Malayo ang bikol pero heto ka
Pinuntahan ako upang muling makita
Sabik sayong yakap at pagmamahal
Paulit ulit kong ipinadama
Sa mga haplos
Sa mga halik
Sa mga yakap
At sa paulet ulet kong bulong sayong tenga
Pa, Mahal na mahal kita

Subalit katulad ng iba ang relasyon ay hindi palaging masaya
Marso bente singko isang taon na tayo
Pero mas madalas daw ang away sabi ng iba

Maraming beses tayong nag away
Pero sana huwag mo naman akong hayaang mag isa
Huwag mong hayaan na ang mahabang katahimikan ang mag layo sa ating dalawa
Huwag mong hayaan na masanay tayo pareho na wala na ang isat isa

Hindi ko nanaisin ang mabuhay ng hindi ikaw ang kasama
Salamat dahil ng minsang sinubok tayo ng tadhana, pag ibig natin ay inilaban mo
Upang hindi tayo tuluyang magkalayo

Nasabi ko ba sayo na ikaw ang aking pahinga
Sa mga panahong kailangan ko ng lakas
Nandiyan ka kahit madalas ikaw din ang dahilan ng aking pag luha
Nakakainis ang mga away at tampuhan
Pero heto tayo,


Marso bente singko
Isang taon,
Pa, Mahal kita simula pa noong una