가사
Yeah…
Hindi man tayo magkakilala
Parang may kwento na agad sa bawat tinginan
Uh
Araw-araw parehas ng dinadaanan
Ikaw yung dahilan bakit gusto kong maagang pasukan
Sa hallway ng school lagi kang natatanaw
Habang ako sa gilid kunwaring hindi nakatingin sa’yo
Hindi ko alam pangalan mo o section
Pero kabisado ko oras ng iyong paglabas doon
Simple ka lang pero lakas ng tama
Parang bawat ngiti mo diretso agad sa kaluluwa
Minsan nagkakasabay pa sa jeep
Tahimik lang ako habang puso ko’y ang kulit
Gusto kitang kausapin pero nauunahan ng kaba
Kaya tingin na lang muna habang lumilipas ang umaga
Sa bawat pagkikita, parang humihinto ang mundo
‘Di man tayo close pero ikaw laman ng isip ko
Isang tingin mo lang okay na buong araw ko
Kahit hindi mo alam na may lihim akong gusto sa’yo
Sa bawat pagdaan mo, puso ko’y napapasulyap
Parang ikaw yung kantang paulit-ulit kong hinahanap
At kahit ‘di mo pa ako kilala
Sana balang araw mapansin mo rin ako sinta
Madalas kitang makita sa may court pagkatapos ng klase
Kasama mga kaibigan mong puro tawa’t ngiti lagi
Habang ako nasa malayo lang nakatingin
Iniisip kung paano sisimulan ang damdamin
Hindi naman artista pero parang ikaw ang bida
Sa simpleng eksena biglang gumaganda ang paligid ko bigla
Minsan napapaisip kung ako ba’y mapapansin
O mananatili na lang sa tinginan at hangin
Pero okay lang kahit ganito muna
Masaya na ‘kong makita kang masaya sa umaga
At kung dumating man yung araw na tayo’y mag-usap
Sasabihin kong ikaw yung crush kong matagal ko nang hinahanap
Sa bawat salubong natin parang may himig
Na hindi maintindihan pero gustong marinig
Baka sakaling tadhana na rin ang gumawa
Ng paraan para mapalapit ako sa’yo balang araw
Sa bawat pagkikita, ikaw agad ang nakikita
Sa dami ng tao bakit ikaw pa rin ang nadarama
At kahit tahimik lang ako sa tabi
Ikaw pa rin ang paborito kong dahilan ng pag-ngiti
Sa bawat araw na ika’y masulyapan
Parang kumpleto na agad ang buong maghapon
Hindi man tayo magkakilala ngayon
Sana balang araw pangalan mo naman ang matawag ko